Sunday, July 11, 2004

pinaka importanteng sulat...

Si Lord talaga alam kung kelan ako babatukan sa
ulo. Here He is again trying to get my attention.


::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Hello! "...busy ka? naku mukha nga... tagal na
natin di nagkikita... tagal mo na ako di
dinadalaw... alam mo miss na kita... o sino yang
nagtext sa iyo?... buti pa sa kanya nakapagreply
kaagad...napansin ko ang dami mong ginagawa
talaga... ang dami mo ring things to do diyan sa
planner mo ah! mapangarap ka talaga noh?... ang
dami mong plano. nakakatuwa naman na malaman yan.
kasama ba ako sa plano mo? ano? naku di ka agad
makasagot... sige okay lang alam ko naman kung
ano talaga sagot mo... nakita kita nung
Friday,aga mo umalis sa office. alam mo ba, ang
akala ko pupuntahan mo ako. ooppss! hindi pala!
TGIF(THANK God its Friday) pala kayo ng mga
friends mo. umaga ka na nakauwi ah? naghintay ako
sa'yo..pagpasok mo sa kuwarto mo, di mo ako
napansin...haaay! kawawa ka naman siguradong
kinabukasan masakit ang ulo mo, tanghali ka na
gigising...
Ang dami mong lakad, naghihintay ako na tayo
naman ang maging magkasama kaya lang sa dami ng
schedules mo sa trabaho at sa labas ng office
parang malabo O sige na, balik ka na sa work
mo.i might be eating too much of your time
maging dahilan pa ako para masira ang plano mo sa
araw na ito..gusto ko lang sabihin sa'yo na
nandito lang ako kapag kailangan mo ako...pag
hindi ka na busy. totoo yon! walang biro! ayaw
mong maniwala?
Ganon kita kamahal kasi! ayaw mo pa ring
maniwala? Haaay! remember this, kahit singit lang
ako lagi sa buhay mo, kahit biglaan mo lang na
natatawag ako dahil nagulat ka, nasaktan
ka,nauntog ka o dahil part ang pangalan ko nung
binabasa mo sa text, you will be in my heart
always... trial after trial isipin mo kasama mo
ako na lumalakad, hindi man sa buhangin, kasama
mo pa rin ako... sa lahat plano mo , kahit hindi
mo ako kasama perfecting it... para mas maging
masaya ka... minsan tayo naman ang mag-usap ha?
minsan ako naman ang dalawin mo... miss na talaga
kita eh... sa akin hindi ka singit lang..."

~JESUS

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home